Tuesday, October 11, 2011

Beep Beep Beep Beep

Hango ito sa sinulat ni idol Lourd De Veyra, types of taxi drivers ung sakanya, saken jeepney drivers. >:)


Dahil masyado daw masalimuot ang blog ko, eto something light. perstaym.hehe



Si Manong Drayber ang naghahatid sa atin sa pang araw araw na buhay. Eskwela, trabaho, bahay, hospital at kahit san pa man, siguradong may mga jeepney na maghahatid sayo sa iyong destinasyon.

Ito ang sasakyang pangmasa, at marahil ay nakasakay kana dito kahit isang beses man lang sa buhay mo (maliban nalang kung uber-rich kid ka at kahit itsura nila ay di mo man lang alam).

Kung ikaw naman ay isang ordinaryong mamamayan ng bansang ito tulad ko, malamang si jeepney ang bestfriend mong transportasyon. Marahil ay marami ka ng nakilalang mga jeepney driver, eto ang ilan sakanila:

·         Mr. Patience is a Virtue- ito ang mga drayber na sobrang matagal maghintay ng pasahero, tipong sasakay ka ng jeep ng fresh, pagbaba mo ay puro alikabok kana. Kadalasan ito rin ang mga jeep na nasasakyan natin pag nagmamadali tayo, at kahit anong parinig mo, wala silang pakealam, basta maghihintay lang sila.

·         Mr. Nascar- ito naman si manong na feeling expressway ang daan. Sobrang bilis kung magpatakbong ng Ferrari niya, ay jeep lang pala. Tipong humaharurot at nagbibigay kaba sa mga pasahero. Di ko maintindihan kung ano ang dahilan at nagmamadali sila, gutom? O kaya naman baka najejebs? Hehe

·         Mr. HAH?- si manong bingi. Eto ung mga drayber na sumisigaw kana ng “bayad po” pero di parin inaabot ang kamay nila. Sila din madalas ang mga palpak sa pagbaba ng mga pasahero, tipong papara ka sa 1st street, at maririnig ka niya pag nasa 5th street nakayo.

·         Mr. Musikero- eto si manong na walang sawang nagpapatugtog ng radyo. Di na kayo magkarinigan minsan dahil kadalasan ay sobrang lakas ng volume ng stereo niya. Ang mas mabangis pa diyan, pag sinabayan  niya ito, habang nagmamaneho ay kumakanta, o san kapa? Libreng entertainment.

·         Mr. Greed is Good- isa sa pinaka ayaw kong drayber. Halimbawa nito ay kung tig siyam ang bawat side ng jeep niya, pero kahit sampu na kayo,sasabihin ay kasya pa daw ang lima (sardinas lang?). Hinding hindi sila umaalis sa pila hanggat di puno, o kaya ay hangga’t walang nakasabit. Sila rin ang mga tambay sa bawat kanto, tumatagal sila ng mga limang minuto bawat kanto, kahit matagal, basta makapagsakay lang sila.

·         Mr. Friendship- eto ung drayber na maraming stop over. Hihinto para bumili ng yosi, kadalasan ay sisindihan pa ng takatak boy ang yosi para sakanila. Minsan naman hihinto para tumaya ng jueteng ( hoy, bawal yan) Minsan ay hihinto nalang bigla, tas sisigawan lang pala ang kapwa driver para makipag chismisan, showbiz ka ne koy?

·         Mr. Barya- kung estudyante ka tulad ko, malamang kilala mo to. Magbabayad ka ng 8php. at di ka na masusuklian, kadalasan sasabihin walang barya. Eto rin ung minsan nanunukli ng kendi, eh kung sakanya mo kaya subukang magbayad ng kendi, tatanggapin kaya niya?

·         Mr. Yoso- eto ang mga drayber na tahimik lang. nagmamaneho, magaabot ng sukli, magmamaneho, kukunin ang bayad, magmamaneho ulit. Swabe sana ang mga ganitong drayber, ang kaso, minsan nakakatakot din sila, di mo alam kung may sama ng loob, o kaya bigla nalang ibunggo ang jeep. scary x_x

·         Mr. Unlimited- eto ang mga drayber na may katext palagi o ka-call. Palagi silang busy sa pagmamaneho habang nagtetext ( Manong delikado po iyan). Minsan nilalagpasan pati mga pasahero, kasi busy nakatingin sa telepono niya.

·         Mr. Pong Pagong- kilala mo? Eto ung mga drayber na sobrang bagal magpatakbo, tipong kung nag jogging ka, baka nauna kapa. Madalas na ganito pag luma na ang sasakyan. Kung tao nga nag reretiro, try mo ring pag retire ang jeep mo manong.


Ilan lamang yan sa mga uri ng drayber na meron tayo dito sa Pilipinas. May kanya kanya man silang katangian, sila parin ang hari ng kalsada, ang mga tao na inaasahan natin para maihatid tayo kung saan man natin naiisin. Kumakayod 24/7 para may masakyan tayo patungo sa mga lugar  na nais natin puntahan.

Kaya kahit ayaw mo man si manong drayber, isa lang ang sigurado: sasakay ka pag late kana. Hehe

-end

*statistics finals bukas, nagreview nako. haha Goodluck sa Com3. >:)

No comments:

Post a Comment