Friday, November 5, 2010

Saranggola

isang kwentong walang pinagmulan
kundi purong kainipan
walang tinutukoy na sinuman
nabuo lang ng malikhaing kaisipan

Maraming bagay ang mahalaga sa atin: pera, damit, gadgets, at marami pang iba.
Pero para sa akin, ang saranggolang natagpuan ko ang pinakamahalaga.
Nakasama ko na ito sa mahabang panahon, dumaan sa iba't-ibang klase ng panahoon, mainit, maulan, mahangin.

Sa pagtagal niya sa akin ay minsan itong naputol, nawala ang pising nagbibigkis dito, 
marahil naging marupok na ito sa katagalan,
pati ang mismong saranggola ay nawala...

Ngunit, pagkatapos ng maikling panahon ay natagpuan ko ito muli, 
at sinubukan kong humanap ng mga pisi;
mga pisi na sa palagay ko ay mas tatagal, mas patitibayin ang paglipad ng aking saranggola.
Muli, nagbigay ng kasiyahan sakin ang matayog nitong paglipad..

Isang araw, dinatnan ako ng isang napakalas na hangin. Ngunit, dahil ako ay mapilit, lumabas parin ako para paliparin ito. Nakasisiguro na ako na ang mga pisi ko ngayon ay mas matibay. 
Hampas ng malalakas na hangin ang naramdaman ko, at unti unting...

Pilit humihiwalay ang saranggola sa pisi, alam kong mahigpit ang hawak ng pisi sa mismong saranggola. Pilit kong nilaban ang hangin, ngunit wala ding nangyari, naputol ang bigkis, at tuluyang nawala ang saranggola.
At sa bandang huli...

Tanging mga pising matibay ang natira sa aking palad.


1 comment:

  1. ang sarap pakinggan ang iyong tula!bigyan mo pa ako ng babasahin,salamat!

    ReplyDelete